^

Bansa

Serge ‘di na nagulat Leni umangat sa survey

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nasorpresa ang marami sa biglang pagtaas ni Li­beral Party vice presidential candidate Leni Robredo sa bagong Social Weather Stations (SWS) survey matangi kay Senador Serge Osmeña.

“Hindi nakakagulat. Mas maraming botanteng makakakilala sa kanya, mas mataas ang kanyang magiging conversation rating,” paliwanag ni Osmeña na umaming  tumutulong siya sa kampanya ni Robredo.

Bago rito, nagpahayag ng kumpiyansa si Osmeña na kayang talunin ni Robredo si Sen. Chiz Escudero.

Mula tatlong porsiyento mula nang maisama ang kanyang pangalan sa SWS sa unang pagkakataon apat na buwan ang nakalipas, tabla na si Robredo sa ikalawang puwesto kasama si Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos sa survey na ginawa noong Disyembre 12-15.

Sa nasabing survey, 19 porsiyento ng 1,200 res­pondents ang pinili si Robredo bilang bise presidente sa hanay ng 19 na pangalan.

Ang bilang ng vice presidential bets ay ibinaba ng Commission on Elections (Comelec) sa anim, kabilang sina Robredo at Sens. Marcos, Escudero, Gringo Honasan, Alan Peter Cayetano at Antonio Trillanes.

Marami ang nasorpresa sa mataas na ranking ni Robredo dahil kulelat siya sa SWS survey na ginawa noong Sept. 2-5.

Sa panahong iyon, hindi pa tinanggap ni Robredo ang alok na maging katambal ni Liberal party standard bearer Mar Roxas sa 2016 elections.

vuukle comment

ACIRC

ALAN PETER CAYETANO

ANG

ANTONIO TRILLANES

ATILDE

CHIZ ESCUDERO

GRINGO HONASAN

LENI ROBREDO

MAR ROXAS

OSME

ROBREDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with