^

Bansa

1 Abu Sayyaf patay sa engkwentro

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isang miyembro ng bandidong grupong Abu Sayyaf ang nasawi, habang ilan pa ang pinaniniwalaang patay matapos makaengkwentro ng mga awtoridad ngayong Martes sa kabundukan ng Sulu.

Sinabi ni Col. Alan Arrojado, hepe ng Joint Task Group Sulu, na narekober nila ang bangkay ng nasawing Abu Sayyaf kasama pa ang ilang armas ng grupo.

Dagdag niya na ang ibang nasawi ay binibit ng kanilang mga kasamahan.

Nagkapalitan ng putok ang Marine Battalion Landing Team 8 at Abu Sayyaf  bandang 8:10 ng umaga sa Barangay Liang sa bayan ng Patikul.

Wala namang nasaktan mula sa hanay ng Marines.

Ilan sa mga narekober na armas ay M14 sniper rifle, M16 at M4 na parehong may nakakabit na M203 grenade launchers, M79 grenade launcher, M1 Garrand rifle at iba’t ibang bala.

 

vuukle comment

ABU SAYYAF

ALAN ARROJADO

ANG

BARANGAY LIANG

DAGDAG

GARRAND

ILAN

ISANG

JOINT TASK GROUP SULU

MARINE BATTALION LANDING TEAM

NAGKAPALITAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with