^

Bansa

P800B ilaan sa Mindanao - Cayetano

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Suportado ni Senate Majority Leader Alan Peter Cayetano ang pederalismo na itinutulak ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte na pinaniniwalaang magiging daan upang mapagtuunan ng pansin ang pag-unlad ng ibang rehiyon sa bansa partikular sa Mindanao at hindi lamang ng Metro Manila.

Ayon kay Cayetano, maituturing na mala­king problema ngayon ng bansa ang konsentrasyon ng pondo sa Metro Manila at hindi napapagtuunan ng atensiyon ang ibang rehiyon na napansin din umano ni Duterte.

“Ang isang malaking problema ng bansa ay halos lahat ng pera ay nasa Metro Manila. Other regions are not provided with enough attention. Si Mayor Duterte, ang solusyon niya ay Federa­lismo,” ani Cayetano.

Halos lahat aniya ng kandidato ay nagsasabing dadagdagan ang mga proyekto pero dapat ikalat ito sa labas ng Metro Manila.

Binigyang-diin ng senador ang pangangaila­ngang lumikha ng tunay na pagbabago sa buhay ng mga tao sa pamamagitan ng paggamit ng matapang na solusyon sa pagresolba sa mga problema ng bansa.

Naniniwala rin si Ca­yetano na marami pa rin ang nagnanais na tumakbong pangulo ng bansa si Duterte dahil sa paniwalang ito ang magdadala ng totoong pagbabago sa bansa.

Nauna ng inihain ni Cayetano ang Senate Bill No. 2972, o ang Mindanao Peace and Development Act of 2015, na kapag naisabatas ay maglalaan ng pondong hindi bababa sa P800 bilyon sa loob ng 10 taon sa Mindanao.

Bagamat pinupuri niya ang kasalukuyang administrasyon para sa mga kontribusyon nito sa pag-angat ng ekonomiya, sinabi ng senador na mas kailangan ang mga pangmatagalang solusyon para makamit ang pangkalahatang kaunlaran at masolusyunan ang luma­laking problema ng congestion partikular sa NCR.

vuukle comment

ACIRC

ANG

CAYETANO

DAVAO CITY MAYOR RODRIGO DUTERTE

DUTERTE

METRO MANILA

MINDANAO

MINDANAO PEACE AND DEVELOPMENT ACT

SENATE BILL NO

SENATE MAJORITY LEADER ALAN PETER CAYETANO

SI MAYOR DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with