^

Bansa

DQ ikinagulat ni Pacman

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Ikinagulat ni Sarangani Rep. Manny Pacquiao ang inihaing disqualification case laban sa kanya sa Commission on Elections (Comelec) dahil sa kanyang pagiging “absenero.”

Si Pacquiao ay dek­laradong tatakbo sa 2016 senatorial elections sa ilalim ng United Nationalist Alliance o UNA.

Subalit ayon kay Pacquiao, kokonsultahin muna niya ang kanyang mga abogado tungkol sa kaso, na nagpapadeklara rin sa kanya bilang nuisance candidate.

Tiwala naman ang kongresista  na marami pa rin siyang supporters na naniniwala na walang basehan ang reklamo.

Sa reklamo ng isang Ferdinand Sevilla, ipinunto nito ang pagiging pala-absent ni Pacquiao na pumasok lamang ng pitong beses, mula sa 70 session days.

Ayon pa kay Sevilla, hindi  nabigyan ng maa­yos na representasyon ni Pacquiao ang kanyang constituents sa Sarangani dahil naging masyadong abala siya sa boxing, shooting para sa TV show nito at basketball games.

Subalit, napaulat na hindi muna i-eentertain ng Comelec ang reklamo ni Sevilla dahil bigo siyang makapagbayad ng P10,000 filing fee.

vuukle comment

ACIRC

ANG

COMELEC

FERDINAND SEVILLA

PACQUIAO

SARANGANI REP

SEVILLA

SI PACQUIAO

SUBALIT

UNITED NATIONALIST ALLIANCE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with