^

Bansa

‘Team Daang Matuwid’ ipinakilala na ni PNoy

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - “Sila ang mga pambato ng koalisyon ng Daang Matuwid para sa Senado sa taong 2016.”

Sa mga katagang ito ay opisyal nang nakumpirma ang mga pambato ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino sa senado sa 2016 election. Kaha­pon ay inilunsad ang line up ng mga senatoriable ng tinawag  na “Koalisyon ng Daang Matuwid” sa lungsod Quezon na pinamunuan mismo ni PNoy.

Binubuo ng iba’t-ibang per­­sonalidad sa loob at labas ng serbisyo publiko at sektor ang ‘‘Team Daang Matuwid’’, na pinangungunahan ni Se-nate President Franklin Drilon, Ralph Recto, Teofisto Guingona III, dating mga senador na sina Francis “Kiko” Pangilinan at Panfilo “Ping” Lacson, Justice Secretary Leila de Lima, dating Akbayan Party-List re-presentative Risa Hontiveros, TESDA Director General Joel Villanueva, TIEZA head Mark Lapid, COOP NATCO party-list representative Cresente Paez, dating Energy Secre­tary Jericho “Icot” Petilla at DILG Assistant Secretary for Mus-lim Affairs Narima Ambolodto.

“Buo na ang Team Da­ang Matuwid,” bigkas ni Mar Roxas, pambato ni PNoy sa pagkapa-ngulo. Nag­bigay ng maikling talumpati si Roxas kung saan ipinangako nito na ipagpapa-tuloy nila ang nasimulan ni PNoy para itaguyod ang pa-ngarap ng pamilyang Pilipino.

 Idiniin ni PNoy ang kaha-lagahan ng pagbuo ng senatorial slate base sa prinsipyo at hindi dahil nangangaila-ngan lamang na mapuno ang listahan. “Di ho namin ugali ang magpuno lang ng listahan para lang may mailaban. At sa tingin ko po, walang makakapagsabi na taliwas sa ating agenda ng mabuting pamamahala ang mga kasama natin,” sabi niya.

Kumpleto naman ang mga haligi ng Aquino administration, pati mga miyembro ng Gabinete na todo suporta kay PNoy, Mar Roxas at Rep. Leni Robredo. Inanunsyo din bilang campaign manager ng mga pambato sa senado si House Speaker Sonny Belmonte, si Congressman Edgar Erice bilang tagapagsalita ng LP, si Akbayan representative Barry Gutierrez at Marikina representative Miro Quimbo bilang mga tagapagsalita ng Team Daang Matuwid.

Umaasa naman si PNoy na magiging maganda ang pagtanggap ng mga botante sa kanyang mga kandidato, tulad ng naging pagtanggap nito sa Team PNoy noong 2013 kung saan landslide ang panalo ng mga senatoriable nito.

 

vuukle comment

ACIRC

AFFAIRS NARIMA AMBOLODTO

AKBAYAN PARTY-LIST

ANG

AQUINO

ASSISTANT SECRETARY

BARRY GUTIERREZ

DAANG MATUWID

MAR ROXAS

MGA

TEAM DAANG MATUWID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with