^

Bansa

Kelot dinedo ng tandem

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hindi na umabot sa ospital ang isang 18-anyos na binata makaraang pagbabarilin ng riding in tandem suspect sa harap ng kanyang girlfriend sa lungsod Quezon, kamakalawa ng gabi.

Ayon kay PO2 Anthony Tejerero, may-hawak ng kaso, ang biktima ay nakilalang si Michael Angelo Baldoz, ng Ist St., Kalayaan B, Brgy. Batasan hills sa lungsod.

Agad namang tumakas ang dalawang suspect na sakay ng isang motorsiklo makaraan ang krimen.

Sa ulat, nangyari ang insidente sa may kahabaan ng Kalayaan B, ng nasabing barangay ganap na alas-11 ng gabi.

Bago ito, kalalabas lamang ng biktima sa isang internet shop kasama ang kanyang girlfriend at naglalakad na pauwi nang maisipan ng una na bumili ng sigarilyo sa isang tindahan.

Habang hinihintay ng biktima at ng kanyang girlfriend ang kanyang binibili, dumating ang isang motorsiklo sakay ang mga suspect at walang sabi-sabing pinagbabaril ito.

Sinasabing kahit sugatan ay nagawa pang makatakbo ng biktima at ng kasintahan nito pero bago pa sila makarating sa kanilang bahay ay tumumba na ang una na isinugod sa pagamutan pero hindi na umabot ng buhay.

Patuloy ang imbestigasyon ng otoridad sa nasabing insidente.

vuukle comment

ANG

ANTHONY TEJERERO

AYON

BATASAN

BRGY

HABANG

IST ST.

KALAYAAN B

MICHAEL ANGELO BALDOZ

PATULOY

QUEZON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with