^

Bansa

PDAF expose for sale?

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Bumuwelta ngayon si Bulacan Rep. Arturo Robes sa pagkakadawit nito sa panibagong reklamo ng 500 million pork barrel scam na inihain ni Atty. Levito Baligod sa Office of the Ombudsman.

Sa isang privilege speech, tahasang inakusahan ni Robes sina Baligod, San Jose del Monte City Mayor Reynaldo San Pedro at dating niyang Political Affairs Assistant na si Bernadette Ricalde na nasa likod umano ng mga alegasyon laban sa kanya.

Giit ni Robes, halatang sini-single out umano siya sa nasabing anomalya gayong hindi pa naman napapatunayan at ni hindi pa nakukuha ang kanyang panig.

Hinala ni Robes, si Ricalde na dati niyang tauhan ay gumaganti sa kanya matapos patalsikin sa kanyang tanggapan dahil napatunayang itong guilty sa isyu ng “dishonesty” at iba pang katiwalian.

Habang si Mayor San Pedro naman umano ang kumupkop kay Ricalde at siyang itinuturong principal diumano sa demolition job laban sa kanya na may interes umanno na tumagal pa sa pwesto bilang alkalde.

Kinukuwestyon din ni Robes ang integridad at intensyon ni Baligod sa paghahain ng reklamo laban sa kanya dahil sa maugong na tatakbo ito bilang senador sa 2016.

Bukod dito, mismong ang PDAF scam whistleblower na si Benhur Luy ay binitawan ang serbisyo ni Baligod bilang abogado nito.

Si Robes at asawang si Rida ay inaakusahan na ginamit sa katiwalian ang P3 milyon na PDAF nito sa mga bogus na NGOs at ang itinuturong nasa likod diumano sa pagpapatay sa asawa ni Ricalde.

vuukle comment

ANG

ARTURO ROBES

BALIGOD

BENHUR LUY

BERNADETTE RICALDE

BULACAN REP

LEVITO BALIGOD

MAYOR SAN PEDRO

MONTE CITY MAYOR REYNALDO SAN PEDRO

OFFICE OF THE OMBUDSMAN

RICALDE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with