^

Bansa

Bebot binoga sa ulo

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Patay ang isang 27-anyos na babae  makaraang barilin sa ulo ng hindi pa nakikilalang gunman kahapon ng hapon sa Port Area, Manila.

Dead on the spot ang biktimang kinilalang si Leonora Aguilar ­Ber­nardino.

Sa inisyal na  ulat ni SPO3 Jontahan Bautista ng Manila Police District-Homicide Section, dakong ala-1:30 ng hapon kahapon nang madiskubreng nakabulagta at walang buhay ang biktima sa kalye panulukan ng Regalado at 13th Street, Port Area, ilang metro lamang ang layo sa Manila Traffic Bureau.

Ayon kay Bautista, unang rumesponde  si SPO1 Neil Encarnacion, ng MTB sa lugar matapos makarinig ng putok ng  baril na nagmula sa nasabing erya.

Nakita niya na nakahandusay at  wala nang buhay ang biktima.

Sa nakalap pang impormasyon, ang biktima at ang kinakasama nitong si Boknoy ay madalas makitang nag-aaway at may rekord  na umano sa Barangay 650, Zone 68 ang huli matapos ireklamo nang pananakit sa biktima.

Madalas umanong magtungo ang biktima sa Traffic Bureau kung sila ay nag-aaway upang hindi na masaktan pa ng todo hanggang sa balaan pa umano ng isang police duty desk officer si Boknoy na huwag sasaktan ang biktima.

Sa ngayon ay hindi rin makita si Boknoy para makunan ng pahayag sa insidente.

May teorya ang pulisya na may kinalaman ang iligal na droga sa pagpatay sa biktima.

Isang maaaring dahilan ang pagbibintang ng mga ‘tulak’ sa lugar na police asset ang biktima, na lingid sa kanilang kaalaman ay nagtutungo lamang sa Traffic Bureau upang makaiwas sa panggugulpi ng kinakasama.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BIKTIMA

BOKNOY

JONTAHAN BAUTISTA

LEONORA AGUILAR

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MANILA TRAFFIC BUREAU

NEIL ENCARNACION

PORT AREA

TRAFFIC BUREAU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with