^

Bansa

‘Ineng’ palabas na ng bansa

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Posibleng lumabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) nga­yong araw ang bagyong si “Ineng” na nag-iwan ng 10 kataong nasawi sa Northern Luzon, ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical Astronomical Services Administration kahapon.

Batay sa 11:00 am weather bulletin ng PAGASA, napanatili ni Ineng ang kanyang lakas na taglay ang hanging nasa 140 kilometers kada oras, at bugsong nasa 170 kph habang patungo sa southern Japan.

Namataan ang mata ng bagyo sa may 360 km hilagang silangan ng Basco, Batanes. Kumikilos ito patungo sa direksyon ng hilaga hilangang silangan sa bilis na 17 kph.

Gayunman, nabawa­san na rin ang mga lugar na tinaman ng signal dahil tanging ang Batanes group of island ang nanatiling nasa signal no. 1. Habang tinanggal na ang signal sa iba pang lugar.

Samantala, nagbabala naman ang PAGASA sa umigting na “Habagat” na magdudulot ng mga pagbuhos ng ulan sa Calabarzon, Mimaropa, Ilocos region, CAR at ang probinsya ng Zambales, Bataan at ang isla ng Calayan at Babuyan, gayundin sa Metro Manila.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BABUYAN

BASCO

BATANES

BATAY

INENG

METRO MANILA

NORTHERN LUZON

PHILIPPINE AREA OF RESPONSIBILITY

PHILIPPINE ATMOSPHERIC GEOPHYSICAL ASTRONOMICAL SERVICES ADMINISTRATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with