Tatakbong pangulo handang magparaya para kay Duterte
MANILA, Philippines – Isang politikong may planong tumakbo sa pagkapangulo ang handang umatras para kay Davao City Mayor Rodrigo Duterte.
Sinabi ng abogadong si Salvador Panelo na inalok ng isang “presidentiable” si Duterte na maging Bise-Presidente niya para sa 2016.
"May isa na gustong maging presidente, pumunta na sa kanya. Gustong mag vice sa kanya (Duterte) kung tatakbo sya," wika ni Panelo batay sa pahayag ng ilang pang malalapit na kaibigan ng alkalde.
"Pero ang sabi niya, 'I'm still convincing myself to run'," dagdag niya.
Sa ngayon ay nag-iikot sa bansa ang alkalde upang ipaalam sa mga Pilipino kung ano ang federal system ng gobyerno.
"Two months na ginagawa 'yung tour on federalism talks. Ang speaking engagement niya ay apat eh. Daily 'yun. Lumilipad siya all over," sabi ni Panelo.
Ayon pa sa abogado ay isang helicopter ang sinasakyan ng alkalde na ipinahiram ng religious leader na si Pastor Apollo Quiboloy.
"Personally, he doesn't want to run. He feels that he is not qualified. He feels that the country doesn't need him if the present system will continue."
- Latest