^

Bansa

Walang gag order vs Napeñas

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Walang gag order ang Philippine National Police (PNP) laban sa nasibak na si SAF Chief P/Director Getulio Napeñas kaugnay ng Mamasapano clash na ikinasawi ng 44 SAF commandos.

Sinabi ni PNP officer-in-charge Leonardo Espina na hindi siya nag-iisyu ng anumang gag order para pigilan ang sinumang magbigay ng pahayag sa publiko.

“I never do that,” ani Espina. “It’s up to your discernment whether you say something or not.”

“You can ask General Napeñas himself pero definitely wala.”

Naunang binanggit ng abogado ni Napeñas na si Vitaliano Aguirre na sinabihan sila ng pamunuan ng PNP na huwag munang magsalita sa isyu ng operasyon sa Mamasapano na ikinamatay ng 44 na miyembro ng SAF.

Sa kainitan ng ‘blame game’ o sisihan sa pagitan ng kaniyang kliyente at ng mga opisyal ng PNP ay pinagsabihan ito ni Espina na huwag nang patulan pa ang mga heneral ng AFP.

Pero napilitan na anya silang basagin ang katahimikan matapos direktang sisihin ni Pangulong Aquino si Napeñas sa isang pahayag noong Lunes.

vuukle comment

CHIEF P

DIRECTOR GETULIO NAPE

ESPINA

GENERAL NAPE

LEONARDO ESPINA

MAMASAPANO

PANGULONG AQUINO

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

VITALIANO AGUIRRE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with