^

Bansa

Pagbuo ng Mamasapano Truth Commission aprub sa Senado

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Aprub na kaagad sa committee level ng Senado ang panukalang bumuo ng “Mamasapano Truth Commission” upang imbestigahan ang nangyaring operasyon ng PNP-Special Action Force sa Mamasapano, Maguindanao noong Enero 25.

Tanging sina Senators TG Guingona at Koko Pimentel lamang ang dumalo at nag-apruba sa panukalang batas sa joint hearing ng Senate committees on public order, peace, unification and reconciliation at finance.

Naniniwala si Guingona na ang Mamasapano Truth Commission ang magtutugma sa resulta ng mga imbestigasyong isinagawa tungkol sa nasabing kontrobersiyal na operasyon kung saan 44 SAF ang namatay.

“Ang daming nag-iimbestiga ngayon and I’m sure maraming mga findings sa kanila. At saka I’m sure hindi lahat magkatugma so dapat merong isang re­conciling body na magtutuguma ng lahat,” pahayag ni Guingona.

Nakasaad sa panukala na si Pangulong Aquino ang magtatalaga ng mga miyembro ng Truth Commission.

Kamakalawa ay tinapos na ng komite ni Sen. Grace Poe ang pagdinig tungkol sa insidente sa Mamasapano. Limang beses na nagsagawa ng pagdinig ang komite bukod pa sa limang beses na executive sessions. (Malou Escudero)

vuukle comment

GRACE POE

GUINGONA

KOKO PIMENTEL

MALOU ESCUDERO

MAMASAPANO

MAMASAPANO TRUTH COMMISSION

PANGULONG AQUINO

SPECIAL ACTION FORCE

TRUTH COMMISSION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with