^

Bansa

BIFF sumuko na kayo!

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

“Sumuko na kayo!”

MANILA, Philippines – Ito ang ultimatum ni Defense Sec. Voltaire Gazmin laban sa Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) na nakikipagbakbakan ngayon sa nagsanib puwersang Armed Forces of the Philippines at Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa North Cotabato.

Ayon kay Sec. Gazmin, sa sandaling hindi nila ito gawin, magreresulta lamang ito sa BIFF sa matinding bakbakan gayundin sa hanay ng military. Habang sinusulat ito, maraming bilang ng BIFF na ang iniulat na nasawi.

Sabi ni Gazmin, ang plano ay ma-neutralize ang bandidong grupo.

“Kung sila ay susuko, fine, kapag tatanggi gagawin ng pamahalaan na lahat ng makakaya laban sa kanila,” ayon pa sa DND chief.

Aniya, ang agad na pagsuko ng grupo ay masisiguro ang kapayapaan at mapipigilan ang karahasan.

Nagsagawa ng opensiba ang pamahalaan at puwersa ng MILF laban sa BIFF sa Brgy. Bulol, Pikit, North Cotabato sa layu­ning masugpo ang mga ito at maging mapayapa ang lugar na naapektuhan ng kaguluhan.

Hindi umano nila hahayaan na magpatuloy ang panggugulo ng BIFF sa mga nasabing lugar at iiwasan na umabot pa sa mga kalapit na barangay ang tensyon.

Sabi pa ni Gazmin, humingi ng suporta ang MILF sa military sa pamamagitan ng artillery, air support at blocking units laban sa BIFF.

Wala anyang deadline na itinakda para sa patuloy na operasyon laban sa mga bandido.

Sinasabing ang Kagi Karialan group ng BIFF na siya ring nakasagupa ng napatay na SAF 44 commandos ay nagtago sa pitong barangay sa bayan ng Pikit at kalapit pang barangay pagkatapos ng madugong labanan.

Hawak din ng BIFF ang 10 baril ng SAF commandos na napaslang sa Mamasapano, Maguindanao.

Samantalang sinu­nog din umano ng BIFF ang mga bahay ng sibilyan sa mga nasabing barangay dahilan upang magsilikas ang mga residente sa Pa­galungan, Maguindanao at Pikit dahil sa takot.

vuukle comment

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

BANGSAMORO ISLAMIC FREEDOM FIGHTERS

BIFF

DEFENSE SEC

GAZMIN

KAGI KARIALAN

MAGUINDANAO

NORTH COTABATO

PIKIT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with