^

Bansa

10 patay, 1 Pinoy sugatan sa Libya attack

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Sampu ang patay, habang isang Pinoy ang sugatan sa pag-atake ng mga terorista sa isang hotel na tinutuluyan ng mga diplomat sa Libya.

Ayon kay Philippine Embassy Charge D' Affaires Adel Cruz nagtatrabaho sa hotel ang biktimang pinoy na tinamaan ng bala.

Pinabulaanan din niya ang mga naunang ulat na dalawang Pinoy ang nadamay sa pag-atake.

Isa ang Corinthia Hotel sa mga primera-klaseng hotel sa Tripolo, Libya kung saan ginagawa ng United Nations ang kanilang mga pagpupulong.

Ayon sa mga tauhan ng hotel, limang naka-maskarang kalalakihan ang pumasok at pinaputukan ang dalawang gwardy na nasawi kaagad.

Isang car bomb din ang pinasabog ng mga terorista.

Kabilang sa mga nasawi ang isang Amerikano at tatlong French na kinumpirma ng kani-kanilang bansa.

vuukle comment

AFFAIRES ADEL CRUZ

AMERIKANO

AYON

CORINTHIA HOTEL

ISA

ISANG

PHILIPPINE EMBASSY CHARGE D

PINOY

UNITED NATIONS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with