^

Bansa

Bus vs motor: Trader todas

Francis Elevado - Pilipino Star Ngayon

CAMARINES NORTE, Philippines – Hindi na umabot ng buhay sa pagamutan ang isang 23 anyos na negosyante makaraang aksidenteng suwagin ng kasalubong na pampasaherong bus ang sinasakyan nitong motorsiklo sa kahabaan ng Maharlika highway sa Brgy. Malabog, Daraga, Albay kamakalawa ng gabi.

Agad na binawian ng buhay ang biktimang si Randy Loza, binata at may ari ng isang Autoshop sa Brgy.Salvacion Daraga, Albay at residente ng Brgy. Bagacay, Jovellar, Albay habang ang driver ng St. Christopher bus na minamaneho ni Ignacio Escalante, 45 anyos may asawa at residente ng Taguile St., Palmera Heights, Cainta, Rizal ay isinailalim sa medical exa­mination.

Nabatid sa imbestigas­yon ng mga awtoridad, dakong alas-9 ng gabi, mabilis na binabagtas ng biktima ang kahabaan ng Maharlika highway pagsapit sa isang kurbadang daan nag overtake ang biktima sa isang bus na kung saan papara­ting naman ang kasalubong na St. Christopher bus at tuloy tuloy na sumalpok sa motor.

Sa tindi ng pinsalang tinamo ng biktima idineklara itong dead on arrival sa Bicol Regional Tea­ching and Training Hospital. Sumuko naman sa mga awtoridad ang driver ng bus. 

 

vuukle comment

ALBAY

BICOL REGIONAL TEA

BRGY

IGNACIO ESCALANTE

MAHARLIKA

PALMERA HEIGHTS

RANDY LOZA

SALVACION DARAGA

ST. CHRISTOPHER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with