^

Bansa

Ninong sa kasal ayaw ni PNoy

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

DAVAO CITY, Philippines – Isa sa kinaayawan ni Pangulong Benigno C. Aquino III ang pumapel na ninong sa mga kasalan. Puwede siyang maging best man o abay pero hindi ang maging ninong ng mga ikinakasal.

Ito ang tinuran ng Pa­ngulo nang makapanayam kaugnay ng takdang kasal nina Senador Chiz Escudero at ng aktres na si Heart Evangelista na gaganapin sa isang island resort sa Quezon sa Pebrero 15 ng susunod na taon.

Kasabay nito, inamin ng Pangulo na siya ang best man sa kasal nina Escudero at Evangelista.

Ginawa ng Pangulo ang kumpirmasyon nang makapanayam siya ng mga mamamahayag sa lunsod na ito pagkatapos niyang dumalo sa  Philippine Business For Social Progress Mindanao meeting, Hindi naman siya naiinggit sa pagpapakasal ni Escudero kay Evangelista dahil umaasa siyang mangyayari din ito sa kanya “soon”.

Aniya, ilang beses na siyang naging best man at abay sa kasal pero hindi siya pumapayag na maging ninong sa kasal dahil binata pa din naman siya.

Ayaw niyang maging ninong sa kasal dahil baka tumandang binata siya kaya ilang beses na siyang tumanggi dito.

Idinagdag pa ng Pangulo na ang pagiging ring bearer na lamang ang hindi pa niya nagagawa. 

vuukle comment

ANIYA

AQUINO

AYAW

EVANGELISTA

HEART EVANGELISTA

PANGULO

PANGULONG BENIGNO C

PHILIPPINE BUSINESS FOR SOCIAL PROGRESS MINDANAO

SENADOR CHIZ ESCUDERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with