^

Bansa

Tanod sanayin sa kalamidad

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hiniling ng isang kongresista na sanayin ang mga barangay tanod sa bawat distrito ay dapat na rin isinasailalim sa pagsasanay bilang paghahanda sa mga paparating na kalamidad sa bansa at sa ibat ibang uri ng  aksidente.

Ayon kay Quezon City District Rep. Francisco “Boy“ Calalay, mahalagang mabigyan ng mga ganitong kaalaman at pagsasanay ang mga Barangay Tanod dahil sila ang mga unang dumarating at rumeresponde sa pinangyarihan ng krimen o sakuna.

Nagdaos sila ng kauna-unahang Barangay Tanod Skills Enhancement Program  seminar na naisagawa ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at Philippine National Police (PNP) para sa buong bansa at ang unang distrito ng Lungsod Quezon ang nabiyayaan nito.

Ang 3-araw na live-in seminar ay sumentro sa mahalagang papel ng mga Barangay Tanod bilang una sa pagresponde maging ito man ay krimen o sakuna at crime scene preservation na ginanap sa BSA Twin To­wers sa Mandaluyong City kung saan naging pangu­nahing katuwang sina DILG-National Barangay Operations Office Director  Leo Trovela at P/Senior Supt. Ranulfo Demia na proyektong ng European Union.

 

vuukle comment

BARANGAY TANOD

BARANGAY TANOD SKILLS ENHANCEMENT PROGRAM

EUROPEAN UNION

LEO TROVELA

LUNGSOD QUEZON

MANDALUYONG CITY

NATIONAL BARANGAY OPERATIONS OFFICE DIRECTOR

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with