Enrile sumuko sa Camp Crame
MANILA, Philippines – Matapos ilabas ng Sandiganbayan ang arrest order para sa kasong plunder, kusang nagtungo sa Philippine National Police headquarters sa Camp Crame si Senador Juan Ponce Enrile upang sumuko ngayong Biyernes ng hapon.
Ikukulong si Enrile sa PNP Custodial Center kasama sina Senador Ramon “Bong” Revilla Jr., at Jose “Jinggoy” Estrada na pawang inakusahan ng Office of the Ombudsman na kumita sa pork barrel scam.
Sinasabing kumubra ng P172 milyon si Enrile sa paglagak niya ng kanyang Priority Development Assistance Funds sa mga pekeng non-government organization ni Janet Lim-Napoles.
Kaugnay na balita: Gigi Reyes sumuko na
Nakabinbin pa sa korte kung papayagang magpa-hospital arrest ang 90-anyos na si Enrile dahil sa kanyang katandaan.
Naunang sumuko ang dating chief of staff ni Enrile na si Reyes sa Third Division ng Sandiganbayan.
Kaugnay na balita: Enrile pinaaaresto na ng Sandiganbayan
- Latest


















