^

Bansa

Misuari patay na?

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kumalat kahapon ang balita na namatay na ang chairman at founder ng Moro National Liberation Front (MNLF) na si Nur Misuari sa pinagtataguan nito sa Sulu.

Sa panayam kay Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines (ISAFP) Chief Major Gen. Eduardo Año, sinabi nito na wala pang nakakarating sa kanilang tanggapan na ganitong ulat pero kanila itong beberipikahin.

Ayon naman kay Col. Jose Johriel Cenabre, deputy commandant ng Philippine Marines, sa pagkakaalam niya ay maysakit si Misuari at ito ang huling balita na kanilang nakalap sa nasabing MNLF founder na wanted sa pagiging utak umano ng Zamboanga siege noong 2013.

Sinabi naman ni Brig. Gen. Martin Pinto, Commander ng 2nd Marine Brigade at Task Force Sulu na posibleng kagagawan din ng mga tao nito ang pagpapakalat ng balita upang ilihis ang dragnet operations ng militar dito.

Sa pinakahuling monitoring ay nagtatago si Misuari sa lungga nito sa kagubatan ng Sulu at hindi pa ito nakakalabas ng bansa gaya ng nauna na ring pinalutang ng kaniyang mga tauhan.

Si Misuari ay wanted sa kasong rebelyon, genocide, crime against humanity at iba pa kaugnay ng ma­dugong pag-atake sa ilang barangay sa Zamboanga kung saan daang buhay ang nasawi noong Setyembre ng nakaraang taon.

vuukle comment

EDUARDO A

INTELLIGENCE SERVICE OF THE ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

JOSE JOHRIEL CENABRE

MAJOR GEN

MARINE BRIGADE

MARTIN PINTO

MISUARI

MORO NATIONAL LIBERATION FRONT

NUR MISUARI

PHILIPPINE MARINES

SI MISUARI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with