^

Bansa

Master Barry at Lagasca dinarayo sa YMCA

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dinarayo ngayon ng mga boxing, kickboxing, aikido at muay Thai enthusiast o fana­tics ang Human Energy Boxing & Fitness Gym na makikita sa YMCA sa tapat ng Manila City Hall  dahil kina Master Barry Agpoon Jr., at WBC Muay Thai Champion Jonar Lagasca.

Si Master Barry ang siyang nagtatag at pangulo ng Pinoy Kickboxing and Mixed Martial Arts Federation at Muay Thai Kickboxing sa Pilipinas na isang 8th Dan Black Belt, Red at White.

Mula sa Elorde gym ay nasa Human Energy Boxing & Fitness gym ngayon ang magaling at disiplinadong guro.

Si Lagasca naman ay 2nd Dan Black Belter at WBC Muay Thai Champion ay ma­­tiyagang tinuturuan ang bawat estudyante ng Human Energy Boxing & Fitness gym.

Sinabi ng dalawang instructor­, pinaiiral nila ang pagkakaroon ng disiplina sa sarili at paggalang, pagma­mahal sa kapwa ang kani-kanilang mga estudyante kaya sila dinarayo.

Tiniyak ng dalawang guro na bago nila bitiwan ang isang estudyante na dadaan sa kanila ay marami ng alam sa  ‘self defense’ at kayang ipagtanggol ang sarili, pamilya at kapwa sa oras ng pangangailangan.

Katuwang nina Master Barry at Lagasca sa kanilang pagtuturo ang mismong may-ari ng gym na si David Layosa at caretaker na si Freddie Boy Rabasio.

vuukle comment

DAN BLACK BELT

DAN BLACK BELTER

DAVID LAYOSA

FITNESS GYM

FREDDIE BOY RABASIO

HUMAN ENERGY BOXING

MANILA CITY HALL

MASTER BARRY

MASTER BARRY AGPOON JR.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with