^

Bansa

Umawat sa away kinatay

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay  ang isang mister matapos pagsasaksakin ng dalawang lasing na inawat  ng una sa isang kaguluhan na naganap sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi.

Dead-on-arrival sa Valenzuela General Hospital sanhi ng mga saksak sa katawan ang biktimang si Crisanto Brigilles, 44,  ng Azicate Homes, Tabing Ilog, Brgy.  Gen. T. De Leon ng  naturang lungsod.

Nakakulong naman  ang suspek na  si Eddie Aniel, 48,  ng Vitas, Tondo, Manila habang nakatakas  ang kasama nito na  nakilala lang sa alyas na Junior Alde.

Batay sa ulat ng Valenzuela City Police, naganap ang insidente  alas-8:10 ng gabi sa Tabing Ilog, Barangay Gen. T. De Leon ng naturang lungsod.

Nabatid na napaaway ang mga suspek habang nakikipag-inuman sa lugar ng biktima kung saan umawat naman ang huli.

Nagalit ang mga suspek at ang biktima ang napagbalingan na kanilang pinagsasaksak.

Sa isinagawang follow-up operation ng mga pulis ay nadakip si Aniel habang pinaghahanap  naman ang kasama nito.

vuukle comment

AZICATE HOMES

BARANGAY GEN

CRISANTO BRIGILLES

DE LEON

EDDIE ANIEL

JUNIOR ALDE

TABING ILOG

VALENZUELA CITY

VALENZUELA CITY POLICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with