^

Bansa

GMA ‘di ginigipit - Palasyo

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hindi raw ginigipit ng Malacañang si dating First Gentleman Mike Arroyo matapos mapaulat na pinagbawalan itong samahan na matulog ang kanyang maybahay na si dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa kwarto nito sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC).

Sinabi ni PCOO Sec. Herminio Coloma Jr., walang katotohanan ang alegasyon ng kampo ni Pampanga Rep. Arroyo na ang Palasyo ang nasa likod ng ginagawang panggigipit kay Atty. Arroyo gayundin sa dating lider na halos 2 taon nang sumasailalim sa hospital arrest sa VMMC dahil sa kaso nitong plunder at electoral sabotage.

Inakusahan ng kampo ni Arroyo na biglang ginipit ang mga ito nang pagbawalan si Atty. Mike Arroyo na samahang ma­tulog sa kwarto si Rep. Arroyo na utos umano ni Chief Supt. Roman Felix ng Police Security and Protection Group.

Bukod dito, nilimitahan na din ang oras ni Mrs. Arroyo na magpaaraw at limitado na rin ang pag­lalakad nito patungo sa chapel ng hospital kung walang utos ng korte.

Hinigpitan na rin ang pagdalaw sa dating pa­ngulo sa kanyang hospital suite sa VMMC at papayagan lamang magsimba si Mrs. Arroyo kung gagawin ang misa sa kanyang kwarto.

Magugunita na nag­hain ng resolusyon sa Kamara si 1-BAP Party­list Rep. Silvestre Bello III na sinuportahan ng mahigit 40 mambabatas upang payagan ng korte na makalabas pansa­mantala si Mrs. Arroyo nga­yong Kapaskuhan upang makasama ang kanyang pamilya.

vuukle comment

ARROYO

CHIEF SUPT

FIRST GENTLEMAN MIKE ARROYO

HERMINIO COLOMA JR.

MIKE ARROYO

MRS. ARROYO

PAMPANGA REP

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

POLICE SECURITY AND PROTECTION GROUP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with