^

Bansa

Ping vs Mar sa 2016

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hindi itinuturing ni Interior and Local Govern­ment Secretary Mar Roxas na banta si dating Senador at ngayo’y Rehabilitation Czar Panfilo “ Ping” Lacson sa 2016 presidential elections.

Ito’y sa gitna na rin ng maugong na nakaungos na si Ping kay Mar matapos na italagang Rehabilitation Czar ni Pangulong Aquino sa mga lugar na grabeng sinalanta ni super typhoon Yolanda partikular na sa Visayas Region.

Sinasabing ang dalawang opisyal ay posibleng magtapatan bilang mga presidentiables sa 2016 polls, o dalawa at kalahating taon bago ang pagbaba sa puwesto ni PNoy.

“Palagay ko walang nag-iisip ng ganun,” ani Roxas ng matanong kung itinuturing nitong banta sa kaniyang posibleng pagtakbong Pangulo si Ping kasabay ng paggiit na sa kasalukuyan ay abala ang gobyerno para sa rehabilitasyon upang makabangon ang mga lugar na grabeng tinamaan ni Yolanda. 

Nitong Martes ay sinabi ni PNoy na hindi pa nila napipisil na standard bearer ng Liberal Party sa presidential elections si Roxas.

vuukle comment

LIBERAL PARTY

NITONG MARTES

PANGULONG AQUINO

REHABILITATION CZAR

REHABILITATION CZAR PANFILO

ROXAS

SECRETARY MAR ROXAS

VISAYAS REGION

YOLANDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with