^

Bansa

Pagdura gagawing krimen

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Upang maiwasan ang pagkalat ng mga nakakahawang sakit tulad ng tuberculosis o TB, isinusulong ng isang mambabatas na gawing krimen ang pagdura sa mga pampublikong lugar.

Umaasa si AVE party list Rep.  Eulogio “Amang” Magsaysay na sa pamamagitan ng House Bill 299 o Anti-Spitting Act of 2013, ay makakatulong ito para maipamahagi ang kaalaman tungkol sa masamang dulot nang pagdura kung saan-saan at upang mabago na rin ang nakagawian ng ibang tao.

Paliwanag ng mam­babatas, dala na rin sa global pandemics tulad ng SARS, bird flu at iba pang nakahahawa at airborne diseases, ay kaila­ngang matigil na ang ugali ng ilan na pagdura.

Sa ilalim ng panukala, ipagbabawal ang sinuman na magdura ng kanilang laway o plema sa mga pampublikong lugar tulad ng kalsada, pasilyo, sidewalks, parks, malls, palengke, public carriers, public halls, buildings, banks, public squares, ter­minals, shopping and business centers, schools, churches, hospitals at iba pang kahalintulad na lugar.

Ang sinumang mahuhuling nagdudura kung saan-saan ay pagmumultahin ng P500 sa unang opensa, P1,000 sa ikalawa at P2,000 at pagdalo sa health seminar na gagawin ng Department of Health kasama ang local health units o pagkakakulong ng 6 na buwan sa ikatlo at susunod pang opensa.

Niliwanag ni Magsaysay na inihain niya ang panukala dahil ang pagdura ay isa sa may sanhi o factors sa pagkalat ng TB, na kahit nagagamot ay nasa ika-6 sa nangungunang sanhi nang pagkamatay sa Pilipinas.

Base sa datos, ang bilang ng namamatay sa TB ay nasa average na 75 Pilipino kada araw.

 

vuukle comment

ANTI-SPITTING ACT

DEPARTMENT OF HEALTH

EULOGIO

HOUSE BILL

MAGSAYSAY

NILIWANAG

PALIWANAG

PILIPINAS

PILIPINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with