^

Bansa

9 crime ‘hot spots’ sa Pasay, tinukoy

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Makaraang ipag-utos  ng National Capital Regional Police Office (NCRPO)  na paigtingin ang paglaban sa street crimes, tinukoy  naman kahapon ng Pasay City Police ang siyam na “crime hotspot” sa lungsod na kanila namang tutukan.

 Sinabi kahapon ni Sr. Supt. Rodolfo Llorca na kabilang sa mga lugar na madalas maganap ang street crimes ay ang: (1) Roxas Blvd. service road hanggang Heritage Hotel; (2) FB Harrison,  Cuneta Ave.; (3) Edsa/Taft Ave., Maybank-Park Ave.; (4) Taft Extension, LRT Baclaran station-Narra St.; (5) Edsa/Taft, Metropoint Mall-FB Harrison; (6) Edsa, Kabayan Hotel-Victory Liner; (7) Edsa Extension; (8) FB Harrison-Cuneta Ave.; at (9) Edsa/Taft Ave., SOGO-Aurora Blvd.

 Sa datos ng Pasay Police, umakyat sa 53 ang naiiulat sa kanilang street crimes mula Enero-Hunyo 2013 kumpara sa 39 na naiulat noong 2012 sa kaparehong mga buwan.  Hindi pa umano kasama dito ang mga nabibiktima na hindi na nagsusumbong pa sa mga pulis.

Pinakamataas sa naitatalang krimen sa kalsada ang pagnanakaw o pandurukot na nakapagtala ng 26 na insidente; sumunod ang “tutok-kalawit” o panghoholdap na may 14 insidente; “physical injuries, pito ang insidente at snatching, 6 insidente.

Sinabi ni Llorca na patatauhan niya ang natukoy na mga lugar ng 24 na oras bawat araw at maglalagay ng mga “collapsible police outposts” upang masilungan ng mga pulis kapag umuulan.

Nagbanta ito sa mga Police Community Precincts commanders na mananagot kapag nakarating sa kanya na walang bantay na pulis kahit anong oras sa mga lugar na ito.  Importante umano na laging may mapagsusumbungan ang publiko laban sa mga kriminal na pagala-gala lang sa kalsada.

Samantala, bukod sa mga “street crimes”, mistulang hindi na rin ligtas ang lungsod sa mga kriminal lulan ng mga taxi.  Kahapon, mismong si Mayor Antonino Calixto ang nagbabala sa publiko na ma­ging mapagmatyag at palagiang isulat ang plaka ng sasakyang mga taxi dahil sa talamak na pambibiktima ng mga holdaper na nagpapanggap na driver.  Ito ay makarating rin sa alkalde ang panggagahasa ng dalawang magkasabwat sa taxi sa isang dalagita na ipinasok sa compartment ng kotse kamakailan.

vuukle comment

AURORA BLVD

CUNETA AVE

EDSA

EDSA EXTENSION

HARRISON-CUNETA AVE

HERITAGE HOTEL

TAFT AVE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with