^

Bansa

Banat sa ama nakaapekto sa anak

Malou Escudero - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Inamin kahapon ni resigned Senate President Juan Ponce Enrile na nakaapekto sa kandidatura ng kanyang anak na si Jack Enrile ang mga isyung ibinato sa kanya bago magsimula ang kampanya noong nakaraang senatorial election.

Sinabi pa ni Enrile na nasasaktan siya habang nakikitang naaapektuhan ang kanyang anak na pinili pa ring ituloy ang pagtakbo at harapin ang mga isyung ibinato rin sa kanya.

 â€œBilang isang ama, tahimik na tiniis kong makitang nagdurusa ang anak ko dahil sa akin. Pinasan niya sa kanyang balikat ang bigat ng mga putik na ibinato sa akin. Nagdurugo ang puso ko para sa kanya habang nasa isang sulok ako at tahimik na nanonood,” sabi ni Enrile sa kanyang talumpati bago ipinahayag ang kanyang pagbibitiw sa puwesto.

Ipinagmalaki rin ni Enrile na mag-isang hinarap ng kanyang anak ang mga isyung ibinato laban sa kanya at isinumite ang kanyang sarili sa paghusga ng mga botante.

Sa kabila din umano ng mga nangyari, narinig niyang sinabi ni Jack na siya ang kanyang “hero” at wala na siyang mahihiling pa dito.

Inamin ni Enrile na ipinagmamalaki nya ang kanyang anak na si Jack kahit pa hindi ito pinalad na manalo sa nakaraang eleksiyon.

vuukle comment

BILANG

ENRILE

INAMIN

IPINAGMALAKI

JACK ENRILE

KANYANG

NAGDURUGO

PINASAN

SENATE PRESIDENT JUAN PONCE ENRILE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with