^

Bansa

1-SAGIP suportado ng INC

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagbigay na rin ng suporta ang maimpluwen­syang religious group na Iglesia Ni Cristo (INC) sa 1-SAGIP (Social Amelioration and Genuine Intervention on Poverty) Party List.

Sinabi ni Monica Lau, presidente ng 1-SAGIP, ang boto ng INC vote ay masyadong crucial sa lahat ng sinumang kandidato dahil sa solid block vote ng mga ito.

Dahil na rin sa hayagang pagsuporta ng INC sa 1-SAGIP kaya mas lalo umano inspirado ang kanilang grupo na isulong ang kanilang adbokasiya na labanan ang kahirapan at tulungan ang margina­lized sectors.

Base sa mga political analyst ang pag-eendorso mula solidong boto ng INC ay makakakuha ng 3-5 milyon boto.

Ang 1-SAGIP ay ba­gong tatag na party list na nagre represrenta sa urban poor sector at kaagad inaprubahan ng Comelec ang kanilang registration sa pangunguna ng kanilang first nominee na si Erlinda Santiago na isang retired teacher at distrubutor ng mga libro pang elementarya sa buong bansa.

Ang 1-SAGIP ay pang 118 sa balota.

vuukle comment

COMELEC

DAHIL

ERLINDA SANTIAGO

IGLESIA NI CRISTO

MONICA LAU

NAGBIGAY

PARTY LIST

SOCIAL AMELIORATION AND GENUINE INTERVENTION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with