^

Bansa

Dagdag umento hirit ng TUCP

Doris Borja, Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hiniling ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) ang dagdag na umento sa sahod ng mga minimum wage earner sa Metro Manila.

Ang 4 na pahinang pe­tisyon ay inihain ng TUCP sa NCR-Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) kahapon sa pa­ngunguna nina TUCP Pres. Vic Balais at TUCP Partylist Rep. Raymond Mendoza.

Sa naturang petis­yon, kanilang hiniling ang karagdagang P85 para sa arawang kita ng mga kawani sa National Capital Region.

Pinaliwanag ni Balais na napapanahon na ang pagtataas sa suweldo ng mga karaniwang manggagawa para sa taong ito upang makasabay sila sa patuloy na tumataas na presyo ng mga pangunahing pa­ngangailangan sa araw-araw.

Pinaliwanag naman ni Eva Arcos, executive director ng TUCP workers college na ang isang pamilya na may 6 na mi­yembro ay kailangan ng halos P1,022 bawat araw upang mabuhay nang disente, na taliwas sa kasalukuyang minimum wage rate sa Metro Manila na P456.

Noong nakaraang taon ay humirit ng P90 wage increase ang TUCP sa NCR wage board ngunit P30 lamang ang naaprubahan na hinati pa sa dalawang bahagi.

Sa kasalukuyan ay aabot sa P456 ang ara­wang sahod ng mga minimum wage earners sa Metro Manila.

Iginiit naman ng Ma­lacañang na ang Regional Wage Board ang magtatakda kung magkano ang aaprubahan nilang wage increase at hindi si Pangulong Aquino.

vuukle comment

EVA ARCOS

METRO MANILA

NATIONAL CAPITAL REGION

PANGULONG AQUINO

PARTYLIST REP

PINALIWANAG

RAYMOND MENDOZA

REGIONAL TRIPARTITE WAGES AND PRODUCTIVITY BOARD

REGIONAL WAGE BOARD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with