^

Bansa

Miriam bumanat na naman kay Lacson

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Muli na namang bumanat kahapon si Senator Miriam Defensor-Santiago kay Senator Panfilo “Ping” Lacson ng maging guest speaker sa annual convention ng Association of Nursing Service Administrators of the Philippines (ANSAP) na ginanap sa Manila Hotel Fiesta Pavilion.

Dumalo sa nasabing okasyon ang nasa 1,000 nurses na nagmula pa sa iba’t ibang panig ng bansa.

Bagaman at hindi tahasang binanggit ni Santiago ang pangalan ng senador halata namang ito ang kanyang pinapasaringan na muli niyang tinawag na bakla.

Aminado si Santiago na kaaway niya ang nasabing pulitiko na nagbulsa umano ng pondo na para sa tanggapan nila sa Senado.

Matatandaan na na­ging mainit ang palitan ng maaanghang na salita nina Lacson at Santiago ng ibunyag ng senador na pati pang-grocery ng senadora ay naka-charge sa pondo niya sa Senado at inuupahan din nito ang sariling property gamit ang pondo ng Senado.

Muli namang itinanggi ni Lacson ang akusasyon sa kanya ni Santiago na siya ay bakla.

Idinagdag ni Lacson na puro kasinungalingan naman ang mga pinagsasasabi sa kanya ng senadora.

 

vuukle comment

AMINADO

ASSOCIATION OF NURSING SERVICE ADMINISTRATORS OF THE PHILIPPINES

BAGAMAN

LACSON

MANILA HOTEL FIESTA PAVILION

MULI

SENADO

SENATOR MIRIAM DEFENSOR-SANTIAGO

SENATOR PANFILO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with