^

Bansa

Singaporean trafficker timbog sa BI

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Naaresto ng mga tauhan ng  Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport ang isang Singaporean trafficker na pinagsususpetsahang  courier ng human trafficking syndicate na nasa likod ng mga pekeng Philippine passports sa mga Chinese na nagnanais makarating sa Pilipinas.

Ayon sa Bureau of Immigration (BI) si Law Suang See, 33, ay dinakip habang kasama ang umano’y biktima na  si Jianhuang Guo, 37, na galing sa Macau  ay naharang sa NAIA 3 terminal noong December  12.

Ang dalawa ay kapwa nakakulong sa Bicutan, Taguig habang nakabimbin ang deportation proceedings.

Sa imbestigasyon, gumamit si Guo ng Philippine passport na nakapangalan sa isang Johnny Dela Cruz Que at kuwestiyonable rin lalo pa at si Guo ay hindi marunong magsalita ng wikang Pilipino.

Nahalata ng mga tauhan ng Immigration na hindi Pinoy si Guo nang kausapin nila ito at wala man lamang alam na salitang tagalog at hirap din sa salitang english kaya sila pinigil at tuluyang inaresto.

vuukle comment

AYON

BICUTAN

BUREAU OF IMMIGRATION

GUO

JIANHUANG GUO

JOHNNY DELA CRUZ QUE

LAW SUANG SEE

MACAU

NAARESTO

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with