^

Bansa

3 partylist aprub sa Comelec

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tatlo pang partylist ang inaprubahan kahapon ng Commission on Elections (Comelec) na maaaring lumahok sa 2013 elections.

Kabilang dito ang transport group na Pinag-isang Samahan ng Tsuper at Operators Nationwide (Piston); grupo ng mga manggagawa na Ating Aga­pay Sentrong Samahan ng mga Obrero, Inc. (Aasenso) at ang mga nagsusulong ng adbokasiya para sa mga nakatatanda o Aagapay sa Matatanda, Inc. (AMA).

Ayon kay Comelec Chairman Sixto Brillantes, naging mahigpit ang deli­berasyon para sa naturang mga grupo bago tuluyang inaprubahan.

Sa ngayon nakabinbin pa rin ang aplikasyon ng ilang kontrobersyal na organisasyon, katulad ng mga inaakusahang malapit sa Pangulong Aquino.

Inaasahang matatapos ang screening para sa mga partylist ngayong Nobyembre.

 

vuukle comment

AAGAPAY

AASENSO

ATING AGA

AYON

COMELEC

COMELEC CHAIRMAN SIXTO BRILLANTES

OPERATORS NATIONWIDE

PANGULONG AQUINO

SENTRONG SAMAHAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with