Padaca nanumpa kay De Lima

MANILA, Philippines - Maaari nang sumabak sa trabaho matapos ma­numpa bilang bagong commissioner ng Commission on Elections (COMELEC) si dating Isabela Governor Grace Padaca sa harap ni Department of Justice (DOJ) Secretary Leila De Lima, kahapon.

Nabatid na dapat ay kay Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III manunumpa si Padaca pero dahil sa hindi pa siya makakuha ng schedule sa Malakanyang ay pinili na lamang niyang kay De Lima manumpa.

Pagkatapos manumpa sa DOJ, nagtungo naman agad si Padaca sa Comelec upang makipag­pulong kay Comelec Chairman Sixto Brillantes para sa kanyang assignment sa ahensya.

Planong tutukan ni Padaca ang mga isyu ng Vote buying at talamak na dayaan sa halalan.

Show comments