Bagyong 'Marce' humina

MANILA, Philippines - Bahagyang humina ang bagyong Marce habang nasa may West Philippine Sea.

Alas-11 ng umaga kaha-pon, si Marce ay namataan ng PAGASA sa layong 170 kilometro sa kanluran ng Iba, Zambales taglay ang lakas ng hanging 85 kilometro bawat oras malapit sa gitna at may pagbugso ng hangin hanggang 100 kilometro bawat oras.

Ngayong Biyernes, si Marce ay nasa layong 350 kilometro kanluran ng Iba, Zamba­les at sa Sabado ng umaga ay nasa layong 570 kilometro sa kanluran ng Iba, Zambales o nasa labas na ng Phi­lippine Area of Res­ponsibility (PAR).

Nasa ilalim pa rin ng sig-nal number 1 ang Zambales at Bataan.

Show comments