SC handa na sa 2012 Bar exam

MANILA, Philippines - Tiniyak ng Supreme Court (SC) na handa na sila sa idaraos na 2012 Bar Examinations sa apat na linggo ngayong Oktubre 2012.

Isasagawa ang Bar exam sa Oktubre 7, 14, 21 at 28 sa University of Sto. Tomas sa España, Maynila.

Ayon kay Associate Justice Martin Villarama, pinuno­ ng 2012 Bar Examination Committee, uma­asa siyang magiging maayos at walang anumang pagkakamali ang kabuuan ng idaraos na pagsusulit.

Nabatid na aabot sa 5,686 law graduates ang kukuha ng exams ngayong taon na nasa porma ng multiple choice at essay.

Ang naturang bilang ay mas mababa kumpara sa 6,200 law graduates na kumuha ng pagsusulit nuong nakaraang taon. 

Show comments