FOI bill sasalang na

 MANILA, Philippines - Tiniyak ni House Speaker Feliciano Belmonte Jr.na isasalang na nila sa committee hearings sa Oktubre ang Freedom of Information (FOI) bill.

Ayon kay Belmonte, nag-usap na sila ni Eastern Samar Rep. Ben Evardone na siya ring chairman ng Public Information Committee at napagkasunduan nila na itakda ang hearing sa loob ng isang linggo ng Oktubre 15.

Ang nasabing pagdinig umano ay isusunod pagkatapos na maipasa sa ikatlo at huling pagbasa ang 2013 General Appropriation Act na nakatakda sa Oktubre 8.

Sinabi naman ni Evardone na magkakaroon ng patuloy na pag-uusap sa continuous provision ng panukalang batas at nasa miyembro na umano ito ng komite kung papayag na pagbotohan na ang consolidated version nito.

Show comments