^

Bansa

Roxas, Abaya kumpirmahin agad - Pnoy

- Rudy Andal - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Hiniling ni Pangulong Aquino sa Commission on Appointments (CA) na agarang ikunsidera ang confirmation nina bagong DILG Sec. Mar Roxas at DOTC Sec. Emilio Abaya upang makaupo na sila sa kanilang mga posisyon.

Ayon sa Pangulo, dahil nasa sesyon ang Kongreso ay kaila­ngang makumpirma muna sina Roxas at Abaya sa kanilang bagong puwesto bago sila makaupo kaya nakikiusap siya sa CA para sa agarang kumpirmasyon ng mga ito. 

Sinabi ng Pangulo, si Roxas ang napisil niyang pumalit kay yumaong DILG Sec. Jesse Robredo upang maipagpatuloy nito ang naiwang mga reporma ni Robredo sa nasabing ahensiya.

Si Cavite Rep. Abaya naman ang ipapalit niyang kalihim ng DOTC na iiwang puwesto ni Roxas.

Kapwa lider ng Li­beral Party (LP) na kinabibilangan ni Aquino sina Roxas at Abaya. Si Roxas ang pangulo ng LP habang si Rep. Abaya naman ang secretary-general nito.

Siniguro naman ni Roxas na pinapalakas ng LP ang hanay nito at inaayos na ang senatorial slate nito hanggang sa local candidates para sa darating na May 2013 elections.

Idinagdag pa ni Ro­xas, ng tanggapin niya ang alok ni Pangulong Aquino bilang kapalit ni Robredo ay hindi umano pulitika ng 2016 ang kanyang nasa isip kundi ipagpatuloy ang naiwang legacy ni Sec. Jesse.

Wika pa ng bagong DILG chief, sinisiguro niyang hindi mapupulitika ang DILG sa kanyang pag-upo bilang kapalit ni Robredo kundi nais lamang niyang ituloy ang mga programang naiwan ng yumaong kalihim.

vuukle comment

ABAYA

EMILIO ABAYA

JESSE ROBREDO

MAR ROXAS

PANGULO

PANGULONG AQUINO

ROBREDO

ROXAS

SI CAVITE REP

SI ROXAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with