136 OFWs na naipit sa Syria pauwi na

MANILA, Philippines - May 136 pang OFWs na naipit sa nagaganap na civil war sa Syria ang nakatakdang dumating sa bansa.

Inaayos na ng Embahada ng Pilipinas sa Damascus at Rapid Res­­ ponse Team na pina­­mumunuan ni Foreign Affairs Undersecretary Rafael Seguis ang paglilikas sa OFWs palabas sa Syria

Sinabi ni Seguis na sa kanyang pakikipag-usap sa Syrian govern­ment, pumayag na ang Immigration Department ng Syria na i-waive  ang mga exit visa requirements at lahat ng multa sa mga OFWs upang mapadali ang kanilang pag-uwi sa bansa na inaasahang darating sa Pilipinas sa Sabado o Linggo.

Bukod sa 136 Pinoy na naghahanda sa kanilang pag-uwi, may mahigit 1,400 pang OFWs na nagpahayag ng kanilang kahandaang umuwi, ang ipoproseso ang kanilang exit visas sa Syria.

Sa tala ng DFA, mahi­git 1,800 Pinoy na ang napapauwi sa bansa si­mula nang ipatupad ng gobyer­no ang mandatory eva-cuation sa ilalim ng crisis alert level 4 noong Disyembre 22, 2011 sa Syria.

Tinataya na mahigit 7,000 pang OFWs ang nasa Syria na karamihan ay undocumented at mahirap na matunton ang kinaroroonan bunsod ng walang humpay na bak­ bakan sa nasabing rehi-yon.

Show comments