Backlog sa edukasyon 'wag isisi sa pagdami ng populasyon

MANILA, Philippines - Hindi umano dapat na isisi ni Pangulong Aquino ang pagdami ng Filipino at sabihing population control ang solusyon para mabawasan ang backlog sa edukasyon.  

Ayon kay Malolos Bishop Jose Oliveros, hindi res­ponsible parenthood ang tugon sa dumaraming bilang ng mga estudyante sa bansa na tumutukoy sa pagsasabatas sa Reproductive Health bill tulad na rin ng sinabi nito sa kanyang State of the Nation Address (SONA).

Mas makabubuti umano na tugunan ang kakula­ngan sa silid-aralan, libro, upuan at kakulangan sa mga guro sa halip na isisi pa niya ang pagdami ng mga estudyante na siyang dahilan kung bakit di matapos tapos ang backlog sa edukasyon.  

Show comments