^

Bansa

Krus, santo sa gov't offices gustong ibawal

- Butch M. Quejada - The Philippine Star

Manila, Philippines -  Gusto ng isang kongresista na ipagbawal ang paglalagay ng mga krus at santo sa mga ahensya ng gobyerno maging ang pagdaraos ng mga misa o anumang seremonya ng anumang relihiyon.

Naghain ng panukala si Kabataan party-list Rep. Raymond Palatino dahil nakasaad sa Konstitusyon na wala dapat binibigyan ng pabor na relihiyon ang gobyerno kaya dapat ipagbawal ang pagdaraos ng religious ceremonies at religious symbol sa mga ahensya nito.

Napag-alaman na kapag naisabatas ang panukala, bawal na magdaos ng misa kahit pa ito para sa patay at maging ang pagdadala ng Bibliya o Koran sa anumang tanggapan ng pamahalaan.

“The State cannot be seen to favor one religion over the other, in allowing the prominent conduct and display of religious ceremonies and symbols, respectively, in public offices and property,” sabi ni Palatino sa kanyang House bill 6330.

Maging ang pagdarasal bago ang isang pagpupulong o pagdinig ng korte o pagkatapos ng flag ceremony ay nais ring ipagbawal ni Palatino. Hindi raw dapat mapaboran ang isang relihiyon dahil nakararami sila sa isang ahensya ng pamahalaan.

vuukle comment

AHENSYA

BIBLIYA

ISANG

KABATAAN

KONSTITUSYON

NAGHAIN

NAPAG

PALATINO

RAYMOND PALATINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with