^

Bansa

Payo ni ex-CJ Puno 'Healing CJ' ang dapat maupo

Nina - Doris Borja/Malou Escudero - The Philippine Star

Manila, Philippines -  Isang ‘healing chief justice’ ang dapat na maluklok sa posisyong binakante ng napatalsik na punong mahistrado na si Renato Corona, ayon kay dating Supreme Court Chief Justice Reynato Puno.

Bagama’t ang mga kwa­lipikasyong nakasaad sa Konstitusyon at Judicial and Bar Council (JBC) ay maituturing na minimum qualifications lamang, ang dapat na taglayin ng bagong punong mahistrado ay ang kakayahan nitong maging lider na makapagsusulong ng reporma sa hudikatura.

Dagdag pa ni Puno, hindi lang pagkakaisa sa loob ng Supreme Court (SC) ang dapat makamit kundi ang pakikiisa rin ng hudikatura sa sangay ng lehislatura at ehekutibo.

Bagama’t importanteng kwalipikasyon ang edad ng susunod na chief justice ay naniniwala rin siyang hindi ito ang “decisive factor” sa pagpili ni Pangulong Aquino.

Binigyan-diin ni Puno na mas makabubuti na ang edad 65 ay tamang-tama para sa isang appointee at magkaroon ng isang legacy sa ating bayan.

Una nang sinabi ni JBC ex-officio member Sen. Francis “Chiz” Escudero na mahirap magtalaga ng masyadong batang punong mahistrado dahil baka abutin ng ilang dekada bago pa ito mapalitan.

Dahil dito kaya titimba­ngin din ng JBC ang haba ng panahon na ipagsisilbi ng mapipiling bagong Chief Justice.

Sa kaso ni BIR Commissioner Kim Henares, sinabi ni Sen. Escudero na 42 taon pa lamang si Henares at kung papalarin itong maging CJ ay aabot ng 28 taon itong magsisilbi sa SC bago ito magretiro.

“Isang titimbangin si­guro ng kada miyembro ng JBC, gayundin ni Pangulong Aquino, ay ang haba ng panahong isisilbi kung bata ang ilalagay. Kaedad ko, 42 (si Henares), isipin mo kulang-kulang tatlong dekadang uupo iyon doon at 28 years bago mag-70,” sabi ni Escudero.

Maliban na lamang umano kung mas maagang mamamatay, magkakasakit o mai-impeach ang isang chief justice hindi ito basta-basta ma­tatanggal sa puwesto hangga’t hindi dumara­ting ang edad ng kaniyang pagre-retiro.

Si Puno ay naging associate justice ng SC noong 1993 sa edad na 53 at nagsilbing chief justice mula 2006 hanggang 2010.

BAGAMA

CHIEF JUSTICE

COMMISSIONER KIM HENARES

HENARES

ISANG

JUDICIAL AND BAR COUNCIL

JUSTICE

PANGULONG AQUINO

PUNO

RENATO CORONA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with