Walang 'revamp'

MANILA, Philippines - Itinanggi ng Malacañang na magkakaroon ng ‘revamp’ sa Gabinete ni Pangulong Aquino.

Sinabi ni Presidential Spokesman Edwin La­cierda sa media briefing, walang katotohanan na nagbitiw na sa puwesto si DAR Sec. Virgilio delos Reyes gayundin ang napabalitang pag-alis ni Energy Sec. Rene Almendras upang maging bagong pinuno ng Presidential Management Staff (PMS) kapalit ni Sec. Julia Abad.

Ayon kay Lacierda, walang pagbabago sa miyembro ng Gabinete ni Pangulong Aquino at kung magkaroon man ng balasahan ay mismong si PNoy ang mag-aanunsiyo nito.  

Show comments