Padaca arestuhin!

MANILA, Philippines - Ipinag-utos kahapon ng Sandiganbayan na ares­tuhin si dating Isabela Governor Grace Padaca kaugnay ng kasong katiwalian.

Ito ay makaraang lagdaan ni Associate Justice Roland Jurado, Chairman ng 5th Division ng Sandiganbayan ang arrest warrant laban kay Padaca matapos mapatunayan na may probable cause para idiin ito sa kasong malversation of public funds at graft and corruption. Gayunman, pinayagan ng Sandiganbayan si Padaca na makapagpiyansa ng P40,000 para sa kasong malversation at P30,000 para sa kasong katiwalian

Pinadalhan na ng kopya ng arrest warrant ng korte ang PNP Isabela, NBI Region 2 at maging ang hepe ng PNP Ilagan, Isabela para ipatupad ang nasabing kautusan.

Show comments