^

Bansa

Impeachment vs PNoy ibinasura ng minorya

-

MANILA, Philippines - Hindi ieendorso ng House minority bloc ang impeachment complaint laban kay Pangulong Aquino na inihain ng isang indibwal.

Sinabi ni House mino­rity leader Danilo Suarez, hindi nila nakikita ang pa­ngangailan na magsampa ng impeachment kay Aquino kaugnay ng reklamo ni Danilo Lihaylihay na lugi umano ang gobyerno sa pagbebenta nito ng lupa sa Baguio City sa SM Group.

Ayon kay Suarez, kung sila ay magsasampa ng impeachment sisiguruhin nila na ito ay malakas upang hindi sabihin na inaabuso lamang nila ang proseso ng impeachment.

Nanawagan naman si Suarez sa administras­yon na huwag magagalit sa kanila sa tuwing mayroong magbibigay ng impeachment complaint sa kanila dahil ginagawa lamang nila ang kanilang trabaho bilang mambabatas.

Sa Lunes ay pag-u­u­sapan ng grupo nila kung ano ang gagawin sa impeachment complaint na gustong ipa-endorso ni Atty. Oliver Lozano. (Butch Quejada/Gemma Garcia)

vuukle comment

AQUINO

BAGUIO CITY

BUTCH QUEJADA

DANILO LIHAYLIHAY

DANILO SUAREZ

GEMMA GARCIA

OLIVER LOZANO

PANGULONG AQUINO

SA LUNES

SUAREZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with