Bagong mahistrado ng CA itinalaga

MANILA, Philippines - Kinumpirma kahapon ng Korte Suprema ang pagtatalaga ng Malacañang ng isang bagong mahistrado sa Court of Appeals (CA).

Natanggap ni Supreme Court (SC) Chief Justice Renato Corona ang appointment papers ni dating Pasay RTC Judge Perdo B. Corales  na may lagda ni Pa­ngulong Aquino at may petsang Nobyembre 11, 2011.

Ipinadala naman ni Corona ang isang pahinang liham kay SC en banc Clerk of Court Atty. Enriqueta Esguerra Vidal nitong Disyembre 21, na nagtalaga kay Corales bilang CA Associate Justice.

Bukod kay Corales, napabilang din sa shortlist na ipinadala ng Judicial and Bar Council (JBC) sa Palasyo sina Quezon City RTC Judges Maria Luisa Padilla, Severino de Castro Jr., Judge Maria Elisa Sempio-Diy at si Guagua, Pampanga RTC Judge Jonel Mercado.

Show comments