^

Bansa

Solon inambus sa Marikina!

-

MANILA, Philippines - Pinagbabaril ng hindi pa nakikilang suspek si Kapatiran ng mga Nakulong na Walang Sala o Kakusa partylist Rep. Ranulfo Canonigo, sa isang ambush kaha­pon ng hapon sa Bgy. Nangka, Marikina City.

Ayon sa inisyal na impormasyon mula sa Marikina-PNP, papasok na sa kaniyang bahay ang kongresista lulan ng kaniyang kulay puting kotse ng barilin ng nag-iisang suspek ganap na alas-5:30 ng hapon.

Nagtamo ito ng tatlong tama ng bala sa leeg, hita at balikat at kasalukuyang ginagamot sa St. Luke’s Medical Center, Taguig.

Patuloy naman ang gi­nagawang imbestigas­yon ng mga otoridad sa insidente.

Ang Kakusa partylist ay tumutulong at nagbi­bigay ng legal assistance sa mga bilanggo at sa kanilang mga pamilya.

Nagsasagawa rin ang partido ng medical programs sa mga matatanda at may sakit na mga inmates at scholarships para sa anak ng mga bilanggo.

Kabilang sa mga panu­kalang batas na naihain ni Canonigo ang House Bill 05543 na nagbibigay ng pagkakataon para sa isang bilanggo na naka­pagsilbi na ng 20 taon ng kanilang sentensiya na magawaran ng parole at HB 05546, na nagsusulong para sa pagtatayo ng mga karagdagang penal institutions sa Luzon, Visayas at Mindanao at ang paglalaan ng kaukulang pondo para dito. (Mer Layson/Gemma Garcia)

vuukle comment

ANG KAKUSA

GEMMA GARCIA

HOUSE BILL

MARIKINA CITY

MEDICAL CENTER

MER LAYSON

RANULFO CANONIGO

ST. LUKE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with