^

Bansa

Menor-de-edad bawal uminom ng alak

-

MANILA, Philippines - Itinutulak ngayon sa Kamara ang panukalang nagbabawal sa mga me­nor-de-edad na uminom ng alak o inuming nakalalasing.

Sa harap na rin ito ng pagsirit ng bilang ng mga kabataang nasasangkot sa iba’t-ibang krimen sa bansa.

Nais ni Camarines Sur Rep. Diosdado “Dato” Macapagal Arroyo na madaliin ng Kongreso ang pagpapatibay sa inihain nitong “Anti-Underage Drinking Act of 2011” o House Bill 5101.

Naniniwala si Arroyo na sa pamamagitan nito ay maitatakda ang mahigpit na polisiyang gagarantiya sa mga kabataan ng bansa na maging res­ponsable sa kanilang gi­nagalawang lipunan.

Sa ilalim ng panuka­la, ang lahat ng mga me­nor-de-edad o 18 taong gulang pababa, na mahuhuling umiinom ng alak ay oobligahing sumailalim sa community service.

Nababahala ang na­kababatang Arroyo sa pagtaas ng mga kaso ng karahasan, sexual at drug abuse gayundin ang pagpapakamatay na nag-uugat umano sa paglalasing ng mga menor de edad.

Sinabi ng mambabatas na sa ilalim ng kasalukuyang mga batas, itinatakda ang legal drinking age sa 18 anyos subalit bigo namang mabanta­yan ang implementasyon nito na nauuwi pa rin sa laganap na paglalasing ng kabataan.

Pero sa panukala ng kongresista, parurusahan din ang mga nagbibigay-daan para makakuha ng mga alkohol ang mga kabataan at ang mga establisimyento ay maaa­ring pagmultahin ng hanggang P50,000 at pagbawi ng kanilang lisensya o permit. (Butch Quejada/Gemma Garcia)

vuukle comment

BUTCH QUEJADA

CAMARINES SUR REP

DIOSDADO

DRINKING ACT

GEMMA GARCIA

HOUSE BILL

ITINUTULAK

MACAPAGAL ARROYO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with