^

Bansa

NCAE binago ng DepEd

- Ni Mer Layson -

MANILA, Philippines - Inianunsiyo ng Department of Education (DepEd) ang pagbabagong ginawa sa administrasyon ng National Career Assessment Examination (NCAE) gayundin sa petsa nang pagkuha ng eksaminasyon.

Unang itinakda ang eksaminasyon sa Agosto 31, 2011 ngunit binago ito at ginawang Setyembre 28, 2011. Dati rin itong ibinibigay sa mga fourth year high school students ngunit ngayon ay ibinibigay na ito para sa third year high school students sa mga pampubliko at pribadong secondary schools.

Ayon kay Education Secretary Armin Luistro, mina­buti nilang i-administer ang NCAE sa mga third year HS student upang mabigyan ang mga ito ng sapat na panahon para sa comprehensive career guidance bago sila pumasok sa tertiary level.

Ang resulta ng NCAE ang magpapakita sa interes at career inclination ng isang mag-aaral, maging technical-vocational, entrepreneurial, o  full college education course, man ito.

Sa ganitong paraan, magagabayan umano ang mga magulang at mga estudyante kung ano ang career o karera na dapat na tahakin ng mga mag-aaral pagkatapos ang graduation.

Wika pa ni Luistro, ang NCAE ay isang mahalagang pamamaraan ng gobyerno upang matugunan ang problema sa job mismatch, unemployment rate, at “brain drain.”    

vuukle comment

AGOSTO

AYON

DATI

DEPARTMENT OF EDUCATION

EDUCATION SECRETARY ARMIN LUISTRO

INIANUNSIYO

LUISTRO

NATIONAL CAREER ASSESSMENT EXAMINATION

SETYEMBRE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with