Pagdakip sa killer ni Sayo, giit madaliin

MANILA, Philippines - Inihatid na sa kanyang huling hantungan kamakalawa sa North Cemetery sa Manila si REYNALDO SAYO, negosyante at treasurer ng Super 8 Philippines Motorcycle Club. Si Sayo ay magugunitang brutal na pinagbabaril ng mga holdaper na umatake sa isang fastfood restaurant sa Caloocan kamakailan. Nasa labas ng restaurant noon si Yer, tawag sa kanya ng kanyang mga clubmates ng tangkain ng mga holdaper na agawin ang kanyang motorsiklo na kanyang ipinaglaban kung saan siya binaril ng mga ito.

Sugatan din sa naturang insidente ang biktima ng holdap na si Judge Romeo Rabaca, MTC Branch 25.

Nananawagan ang mga kaanak at mga kaibigan ni Yer sa pulisya sa madaling ikadarakip ng mga suspect para matamo ang kaukulang hustisya.

Show comments