^

Bansa

Mayor Duterte nambugbog ng sheriff

- Joy Cantos -

Manila, Philippines - Nagmistulang boxer si Davao City Mayor Sa­rah “Inday “ Duterte matapos nitong suntukin ng sunud-sunod ang isang Sheriff nang uminit ang ulo nito sa kaguluhan sa demolis­yon sa isang squatter area na ikinasugat ng mga residente at isang pulis sa lungsod, kahapon ng umaga.

Nagtamo ng black eye at mga pasa sa katawan si Abe Andres, Sheriff ng Davao Regional Trial Court (RTC) na nagsilbi ng ‘writ of execution’ upang i-demolish ang tahanan ng mga residente sa Brgy. Kapitan Tomas Monteverde Sr. Suliman, Agdao District ng lungsod.

Sa ulat na nakara­ting sa Camp Crame, naganap ang insidente sa lugar bandang alas-10 ng umaga.

Nabatid na humingi si Duterte sa korte ng 2 oras na extension bago ipatupad ang demolisyon upang mabigyan muna ng pagkakataon ang mga tao na lumisan sa kanilang tahanan pero hindi ito pinagbigyan ni Abe sa pagsasabing sa korte lamang siya susunod.

Nang mabatid na nagkakagulo na sa demolition site at marami na ang nasaktan sa batuhan ay nagtungo sa lugar si Duterte at limang beses na pinagsusuntok si Andres habang nagsisigawan naman ang mga tao.

Agad namang inawat si Duterte ng kaniyang mga security escorts habang nagtatakbo na si Andres.

Nasa 500 pamilya na naninirahan sa 217 bahay ang target ng demolition team na wasakin.

“Busy pa tayo sa relief operation, ano ba naman yung 2 hours extension na makaalis muna yung mga tao bago i-demolish,” ayon kay Duterte sa isang television interview.

Handa naman ang lady mayor na harapin ang kahihinatnan ng kaniyang naging aksyon na nag-ugat sa umano’y pang-aapi sa mga residenteng iskwater.

vuukle comment

ABE ANDRES

AGDAO DISTRICT

ANDRES

BRGY

CAMP CRAME

DAVAO CITY MAYOR SA

DAVAO REGIONAL TRIAL COURT

DUTERTE

KAPITAN TOMAS MONTEVERDE SR. SULIMAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with