^

Bansa

NBP director inginuso ni Diokno

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Ang hepe ng New Bilibid Prisons (NBP) ang dapat umanong sibakin at hindi si Bureau of Corrections (BuCor) director Ernesto “Totoy” Diokno sa nabunyag na paglabas-masok ni dating Batangas Gov. Antonio Leviste sa kulungan.

Ayon kay Diokno, si Chief Supt. Ramon Reyes, na hepe NBP, ang dapat patawan ng parusa at hindi siya. Aniya, siya ay sa po­licy-making lamang.

Mariin namang kinontra ni Senior State Prosecutor Susan Dacanay, chairman ng DOJ panel ang pahayag ni Diokno dahil sa ilalim anya ng batas ay hindi lamang ang aspeto ng paggawa ng polisiya ang dapat tutukan ng Bucor chief kundi ang pagpapatupad din ng mga ito.

Nanindigan si Diokno na hindi sa kaniyang pamumuno nagsimula ang mga maling sistema sa loob ng New Bilibid Prisons (NBP) at sa halip ay nadatnan na niya ito mula sa mga da­ting humawak ng national penitentiary.

Ayon kay Dikono, mula sa isyu ng droga at paglabas-masok ng mga bilanggo ay dati nang ginagawa ngunit unti-unti niyang inaayos.

Pero puna ng DoJ probe team kay Diokno, bakit hindi nito inagapan ang ilang kaso ng pagpuslit ni Leviste sa kabila ng pagkakaroon nito ng impormasyon sa nasabing isyu. 

vuukle comment

ANIYA

ANTONIO LEVISTE

AYON

BATANGAS GOV

BUREAU OF CORRECTIONS

CHIEF SUPT

DIOKNO

NEW BILIBID PRISONS

RAMON REYES

SENIOR STATE PROSECUTOR SUSAN DACANAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with